Umiyak ng buong magdamag si Rocky. Nawalan siya bigla ng gana sa lahat ng bagay. Nais na lamang niya magkulong sa silid at umiyak nang umiyak. Pinatay niya ang cellphone para hindi makontak ni Thaddeus. Binilin niya sa yaya niya na ayaw niyang maka-usap ang lalaki sakaling maisipan nito tumawag sa telepono. Puno na siya. Punong-puno na. Pinagmukha siyang tanga ni Thaddeus. "Gaga ka rin kasi!" Kastigo niya sa sarili. All her life she has always been left alone. Broken and sad. Idiin niya ang mukha sa unan. Ang sakit-sakit ng puso niya. Parang mapupunit iyon. Sana nga, namatay na lang siya. Bakit gano'n? Kung sino pa iyong mga taong mahal niya, 'yon pa yung binabaliwala siya. Ang daddy niya. Ang kuya niya. At ngayon, si Thaddeus, wala na rin. "Ahhhhh! Ayaw ko na! Mommy, kunin mo na