“I hate you both!” “P-Princess,” dinig niyang sambit ni Eric nang makita ang anak. “M-Maliyah. Baby,” Ang Kuya Ezekiel niya na hindi makapaniwala sa sinabi ng anak. Kahit silang magkapatid ay napaawang ng labi sa sinabi ng anak. Bigla na rin itong tumalikod kaya lahat sila napasunod nang tingin sa anak. At nang mawala ito sa paningin niya ay hinarap niya ang dalawa na noo’y masama na naman ang tingin sa isa’t-isa. “Anong sabi ko kanin?” aniya nang lapitan ito. “Hindi ako ang nauna, baby,” kaagad na sabi ng alkalde. Kita niya ang paghilot ng Kuya Ezekiel niya sa noo. “It’s me,” pag-amin nito. “Ezekiel!” malakas na sigaw ng Ate niya. Sinabayan pa ng kapatid nang panlalaki ng mata kaya hinayaan na lang niya ang dalawa. Hinila niya ang asawa papasok at pinagalitan din. “Bakit mo na