NAKAGAT niya ang labi niya nang makita kung saan unang tumingin ang alkalde. Hindi naman ganoon kaliwanag ang kinaroroonan niya pero ang linaw ng mata nito, sa kanya agad lumanding. Bahagyang nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa kanya. Marahil nagtataka ito kung bakit siya nandito. Siya rin naman nagtataka. Ano ang ginagawa nito dito? “S-si Mayor,” aniya kay Jarvey, sabay nguso. Saktong kinakausap ng alkalde si Grecco. Kita niya ang pagsimangot ni Jarvey nang makita nga ang alkalde. “Who invited him?” anito. Hindi naman niya alam ang isasagot kaya nagkibit-balikat siya. Muli niyang tiningnan ang alkalde pero seryoso na ito habang naglalakad papunta sa main door. Hindi na sila nito tinapunan ng tingin hanggang sa salubungin ito ni Konsehal San Juan. “Si Konsehal yata ang n