KAHIT anong pilit ni Ashley magtrabaho ay wala siyang sigla. Peke lang ang sigla na ipinapakita niya kay Chesca. Ayaw niyang malaman nito na nasasaktan siya dahil kay Seth. Siguradong eeksena ito at kung ano pa ang masabi nitong masasakit sa kanya at kay Seth. Wala rin siyang ganang kumain nang magkasalo sila ni Chesca sa tanghalian. Ikatlong araw na niya iyon sa Manila. "Kailan babalik si Seth?" tanong ni Chesca. "Hindi niya sinasagot ang tawag ko. Kailangan bukas ay narito na siya para makapag-prepare siya. Sa Lunes na ang contract signing para sa movie na gagawin ng RM production. Hindi puwedeng palagpasin niya ito. Masisira tayo sa RM. Need nang masimulan ang filming para makahabol sa tag-ulan. Malaki-laking project ito kaya dapat matutukan natin ito," sabi ni Chesca. Naninikip ang