BAGONG camera ang gamit ni Ashley para sa photoshoot nila sa Subic Bay. Isang araw lang siyang nasa Maynila magmula noong umuwi sila ni Chesca mula Baguio at muli na namang aalis. Iisang sasakyan lang ang gamit nila. Ang Mercedez-benz na service ng VTI. Nakasakay na lahat doon ng mga model. Hindi makakasama si Chesca. Siya lang at staff ng Gnese ang kasama at mga make-up artist at designer. Si Ashley na lang ang hinihintay. Marami pa kasi siyang abubot na bitbitin. Alas-singko pa lamang ng umaga. Overnight lang sila sa Subic at uuwi rin sila bukas ng umaga. Pagpasok ni Ashley sa sasakyan ay wala nang bakante sa harapan. Nahihiya naman siyang paalisin ang ibang staff. Dumeretso na lamang siya sa dulo. Walang ibang bakante kundi sa tabi ni Seth na pangdalawahan. Nagbabasa ng magazine ang b