NAGISING si Ashley dahil sa sinag ng araw na tumama sa mukha niya. Sinuyod niya ng tingin ang paligid. Naroon na siya sa inuukupa niyang kuwarto. Akmang babangon siya ngunit napangiwi siya nang maramdaman ang kirot sa kanyang pang-upo. Marahan siyang dumapa saka itinulak ang sarili upang makatayo. "s**t!" she cursed. Mahinhin siyang naglakad papasok sa banyo. Wala siyang saplot sa katawan. Tumapat siya sa shower at binuksan ito. Maligamgam ang tubig. Lalong mahapdi ang pang-upo niya nang nabasa. Maingat siya sa pagsasabon ng katawan upang hindi malalagyan ng sabon ang latay sa pang-upo niya. Habang hinahaplos ng sabon ang kabuharan niya ay mariin siyang pumikit. Sinariwa ng diwa niya ang mga naganap sa kanila ni Seth kagabi. Hindi siya makapaniwala na kinaya niya ang halimaw na performa