KASAMA ni Ashley si John na naghapunan sa restaurant. Nasa Maynila na si Chesca kaya nagsosolo na naman si John. Kanina ay isinama siya nitong namasyal sa bayan. Maghapon sila sa bayan kasama ang driver nito at katulong. Habilin daw kasi rito ni Chesca na aliwin siya habang naroon pa siya sa Boracay. Nakabili siya ng maraming souvenir. Nag-enjoy naman siya sa pamamasyal. Bukas ay last day na niya sa isla at Sabado ng umaga ay flight na niya pabalik ng Maynila. "Do you want another tour tomorrow, Ashley?" Tanong ni John. "I have a yacht for rent, and you may use it to explore around the island for free. There's a more beautiful view out there," sabi ni John. Tapos na silang kumain. Inuubos na lang nila ang red wine. "That's a good idea. But I want a solemn place, no noise, no other people