"HINDI KA MAN lang nagpasabi, Hijo. I'm so glad you're finally back!" May halong tampo man pero niyakap pa rin si Dilan ng kaniyang ina na si Edelina nang makarating ito sa resthouse sa Tagaytay. Ilang oras din ang binyahe niya para makarating lang dito. "Nag-message ka na lang sana para masundo ka namin sa airport."
He hugs his mom back. Sopistikada pa rin ang datingan kahit napagupitan na ang buhok nitong nakasanayan na niya na maging mahaba. Bagay sa mama niya ang hindi lalampas sa balikat na buhok na alaga sa salon. Makinis pa rin ang balat sa edad na singkuwenta-anyos. Maganda at light lang ang make-up. Gano'n pa rin ang amoy ng expensive designer perfume na ginagamit nito. Humagod sa ilong niya ang amoy ng rosas sa kaniyang ina. It's been 7 years since he left home. Halos mag-isang dekada na rin pala ang nagdaan simula nang tumayo siya sa sarili niyang mga paa. And his mom loves him despite his absences. "Kahapon pa ako dumating, Ma. I stayed overnight sa condo ni Dien and took my rest, before I went here. Ayaw na kitang abalahin pa. Kaya ko naman."
Binitiwan siya nito. "Nagkita na kayo ng kakambal mo?"
Patamplat siyang tumango, pero walang balak si Dilan na isalaysay ang mga naganap sa condo na 'yon. "Just this morning. Hindi siya umuwi."
"Oh, so you've been in his place."
"Last night."
Mabuti na lang at hindi 'yon nagbabago ng password kaya nakapasok pa rin siya sa condo nito. Same password pa rin ang ginagamit ng isang iyon since high school -- ang kanilang birthday. Pareho pa rin dapat sila pero nagbago ang kaniya nang makilala niya si Agnes, that woman who caught him offguard.
"Bulakbol talaga 'yang kapatid mo na 'yan. Namumuti lalo ang buhok ng dad mo sa isang 'yon. Ayaw magpokus sa negosyo. Gusto pa rin yatang magbuhay-binata na lang. Last week pa ang huling kita namin. Ang tamad niyang bumisita sa Tagaytay." Tuloy-tuloy ang pagrereklamo ng mama niya habang tuluyan na siyang nakapasok sa loob. "Where are your things, by the way?
"Iniwan ko muna saglit sa condo ni Dien," he said cooly. "I won't take long. Babalik din ako ng Manila. Mag-ri-rent muna ako ng condo for a while habang nasa Pinas ako, Ma."
"Silly, boy. Hindi ka pa rin nagbabago. Use our damn house. Nakatengga lang iyon doon. Madalang na lang kami ng papa mo roon. Isa pa, busy 'yon sa mga negosyo niya rito sa Tagaytay."
"Kaya ba si Dien ang nagha-handle ng family business?"
"What choice do we have?" Isang mapaklang nginiti ang itinugon ng mama niya. "I have only my two precious boys. At isa lang sa inyo ang malapit."
Napabuntong-hininga si Dilan. Dalawang dekada na ang negosyo nila sa industriya ng mekanikal. Nasa Top 1 ang kumpanya nila noon lalo na sa paggawa ng food processing machines ng mga sikat na kumpanya kagaya ng Wyeth, Nestle, Alaska, at iba pa.
"So how DCM?" kuryosidad niyang natanong. DCM is their company name na matatagpuan sa Canlubang, Laguna.
"Buhay pa naman," turan ng ina niya. "But unlike those old days, dumadami na ang competitors. At mas ginusto ng dad mong magtayo ng food business na siyang passion niya talaga. And I respect his decision. He's not getting any older, you know. I want your dad's happiness."
Tatango-tango si Dilan. Pati ang inuuna ang kasiyahan ng ama niya na pina-priority pa rin ng kaniyang ina ay wala pa rin pa lang pinagbago. He smiles gently towards his mother.
Sana makatagpo siya ng babaeng katulad ng ina niya.
Nakarating sila sa visitor's area. Unang bumungad ang makinang na chandelier na nakalagay sa pinagitnang bahagi. Gold and white ang motif ng mga gamit at dekorasyon sa kabuuan. Black and gold naman ang napiling pintura sa mga pader. Babasahin ang malaking mesa sa gitna. Kapansin-pansin din ang ilang artifacts na nanggaling pa sa iba't ibang bansa na nakahiligan na ng ina niya na mag-collect. Ang ibang mga gamit ay yari sa kahoy na sinadya na ipadisenyo. At sa isang malapad na pader ay nakalagay ang old painting nilang pamilya -- silang dalawa ni Dien na nasa pitong taong gulang pa lang at ang parents nila.
"Pinagawa namin ito, 3 years ago. Ayaw na ng papa mo na magbiyahe ng malayo. At isa pa, mas malinis at presko ang hangin rito sa Tagaytay."
Umupo silang dalawa. "Na-miss kita, Ma."
Ngumiti ito sa kaniya. "Mas miss kita."
"Si Papa mo ba, miss mo?"
Nagtitigan muna kaming dalawa. "He's still my father."
"Dilan--"
"Okay na 'yon, Ma. I don't have any grudge towards him. Papa ko pa rin siya." Marahan niyang hinawakan ang kanang kamay ng ina niya para maibsan ang pag-alala nito. "Don't worry. Kakausapin ko si Papa at kamustahin. Baka ngayon, mapatawad na niya ako."
Sumilay ang ngiti ng ina niya. "Really, Dilan?"
"You have my word."
Lumiwanag ang maganda nitong mukha.
Si Dilan ang pinili ng ama niyang maging tagapagmana sana ng DCM pero ni-reject niya iyon at mas pinili niyang maging independent. Kaya hindi rin ito masisisi ni Dien kung nagtampo man ang papa niya nang gusto.
"Will you stay for good?"
Napagitla si Dilan sa rektahan nitong tanong, still holding her shivered hand. "Ma, masyado pang maaga sa tanungan na 'yan. Kakabalik ko lang."
Batid niyang umaasa ito subalit kahit siya ay hindi rin niya itong masagot. He's a man with no purpose, a man with no direction. Wala ring kasiguraduhan ko kung magtatagal siya sa Pilipinas.
"Stay for a while, Dien. Ipagluluto kita ng paborito mong pinaupuang manok."
Ngumisi siya. 'Yon na nga ang nakakamiss sa Pinas, his mother usually spoils him with his favorites. "Sige, pero after lunch, I need to go. Bibisitahin ko pa si Agnes.
"Deal."
Nginitian nila ang isa't-isa. Mas mahal siya ng mama niya. Kahit noong lumayas siya at nagpakalayo-layo, ito ang nagbigay ng palihim na suporta upang hindi siya mamatay ng gutom. Mamaya, pagkatapos ng ilang taon, ngayon lang niya mabibisita si Agnes sa kaparehong lugar kung saan niya huling nagpaalam.