"MABUTI NAMAN AT nakauwi ka na sa bahay, anak?" Masayang pagbati ng ina ni Misha sa kaniya matapos ang ilang oras nilang pagbiyahe. Dien parks his car outside -- na malimit nitong ginagawa sa tuwing nagagawi 'to sa kanilang bahay. Pakiwari niya'y baka hindi rin magtatagal sa kanila si Dien. Nakatayo lang ang kaniyang ina sa bukana ng gate habang siya naman ay kakasarado lang ng pinto ng kotse. Excited na pinagbuksan sila ng gate ng mama niya. Ngunit mas dama niya ang katotohanan na mas masaya itong makita ang lalaking kasa-kasama niya ngayon kaysa sa kaniya. Nakaka-drown sobra. Kaso wala, e. Botong-boto ang mama niya sa ugok na 'to. Ang bawat ngiti ng ina niya ay siyang nagbigay sa kaniya ng lakas ng loob para makangiti pabalik -- kahit pilit lang, kahit panandalian lang. Si-net a