"SIR DIEN, kailangan niyo na pong mag-decide," pagmumumilit ng kaniyang sikretarya. Ilang araw na siyang maagang pumapasok sa office. Wala pang 6 o'clock ay nagtatrabaho na siya sa DCM. Ilang araw pa lang na nawawala si Misha sa kumpanya pero grabe na ang epekto sa kaniya ngayon. Sa ilang araw na 'yan, hindi na siya pwedeng magpuyat. Nawawalan na siya ng oras sa mga babae niya. At napunta pa ang kaniyang atensiyon sa mga files na sobrang kapal na. "Kailangan niyo na pong palitan si Ms. Frendil sa posisyon. This is going no good, Sir. Mas malala pa at wala iyong proper turn over. Napaka-irresponsable na babae. Kaya ka Sir nahihirapan ngayon, e." Lumalamig na ang kaniyang kape sa kaniyang harapan na kakatimpla lang nito. Wala pang 9 o'clock pero pangalawang kape na niya sa isang araw. Matam