BAGSAK ANG MGA balikat ni Misha nang makauwi ng bahay. Pinilit niyang ayusin ang sarili. Tinanghali na siya ng dating. Nag-demand si Dilan na ihatid siya sa bahay, after din mag-walk out ni Dien nang sinundan nito ang ka-third party niya, pero tinanggihan niya rin ang alok nitong kabaitan. Sa isip-isip niya, baka naawa lang 'yong tao at pampalubag-loob na lang din sa ginawa ng kapatid no'n sa kaniya.
Napahapo siya ng mukha habang iniisip na niya naman 'yong mukha ni Dien na mas nag-aalala pa sa babaeng 'yon kaysa sa sarili niyang nararamdamam. Gano'n kakapal ang mukha ng boypren niya. Inuna pa ang kabet sa relasyon kaysa sa sarili nitong girlfriend. Ang selfish. Iyon ba talaga ang sinagot niya, five years go?
Iniisip pa lang ni Misha ang mga nangyari, para siyang mawawala sa katinuan. Sa sobra niyang gigil, padabog niyang isinara ang main door nang tuluyan siyang makapasok sa loob.
"Kumusta ang out-of-town business meeting mo kahapon, 'Nak? Was it successful?" nakangiting bungad sa kaniya ng ina ni Misha na si Luisa. Isang taon na lang at malapit na itong mag-senior citizen. Maiksi at kaka-dye pa lang ng buhok nito at ginawang kulay itim dahil napuno na ng uban ang ulo nito. Hindi rin katangkaran katulad niya ang mama niya. Sayang at hindi niya namana ang height ng tatay niyang 6 footer.
"Olats, 'Ma," kalmado niyang turan. "Nakuha na ng iba, e. Ginamitan ng under-the-table tactics. Ang dudumi kung maglaro. Masakit tanggapin Ma, na 'yong akin na, panalo na sana sa project bidding, pero wala talaga, e."
"Sayang naman kung gano'n," dismayadong reaksiyon ng kaniyang ina. Kung alam lang nito ang ibig niyang sabihin ay baka mas malala pa ang naging reaksiyon ng mama niya. "Gano'n talaga ang trabaho, 'Nak. Hindi lahat ay malinis ang galawan mapaloob man o labas na mga transactions."
Nagsinungalang si Misha. Wala talagang company meeting. Palusot lang niya 'yon sa mama niya para payagang makalabas at makapag-overnight sa bahay ni Dien.
Gusto niyang umiyak at ilabas ang lahat ng kaniyang hinanakit at sama ng loob pero mas pinili niyang magtapang-tapangan sa mga nangyayari. Hangga't maaari, ayaw niyang ma-stress din ang ina niya sa relasyon nila ni Dien.
Sa edad niyang bente-singko anyos, parang teenager pa rin ang trato nito sa kaniya. Pinaglulutuan. Pinaglalaba ng mga damit. Nag-aayos ng mga gamit niya sa work. Lahat na yatang pag-aasikaso bilang ina ay kumpleto ang mama niya.
Kung gaano siya kasuwerte rito, gano'n naman siya kamalas pumili ng nobyo.
"Kumain ka na ba? Nagluto ako ng paborito mong sinigang at nang maibsan 'yang pagkabusabos ng mukha mo. Halatang badtrip na badtrip ka. Di bale, 'Nak. Dadami pa 'yang mga projects at mga kliyente mo. Masipag ka naman. Kayang-kaya mo 'yan."
Ngumiti si Misha sa ina niyang pilit na pinapagaan ang kaniyang loob. Sana nga gano'n kadaling maibsan ang sakit sa simpleng pagkain lang. Sana nga isang kliyente na lang si Dien para hindi ganito katindi ang pagkalugmok niya sa sarili. Harap-harapan siyang binastos ng lalaking pinaglakatiwalaan niya nang husto. At sobrang hirap no'n tanggapin.
Sinundan niya ang kaniyang mama papunta sa kusina. Maliit lang ang paupahang bahay nila. Maganda ang work niya bilang saleswoman ng isang pribadong kumpanya at sapat na iyon upang matustusan ang pangangailangan nila sa araw-araw.
"Nasaan pala si Jo-ed?" pag-iba niya ng paksa. Si Jo-ed ang kapatid niya sa pangalawang asawa ng mama niya na nauwi rin sa divorse.
"Nando'n sa labas na naman iyang kapatid mo kasama ang mga tropa niya. Ewan ko nga ba sa batang 'yon. Hindi na talaga pumipirmi sa bahay." Halata sa mukha na mama niya na nakokonsumi na ito sa nakakabatang niyang kapatid.
Nagsandok ito ng kanin sa rice cooker at siya naman iyong kumuha ng nag-ayos ng mga babasaging plato't baso sa maliit na mesa na gawi sa salamin. Maliit lang ang espasyo sa bahay pero kahit paano ay may sari-sarili silang kuwarto. Di bale ng maliit ang space, basta may kaniya-kaniyang privacy. "Dapat Ma pagsabihan mo 'yang si Jo-Ed."
"Nak, kung alam mo lang. Rinding-rindi na ako sa sarili kong paninermon. Dinaig pa ang sirang plaka sa kakaulit. Pero ayaw talagang makinig.
"Hayaan mo na muna, Ma. Uuwi rin 'yon. Kinse na siya. 'Di na gano'ng kabata. At isa pa, lalaki naman 'yon."
Nilapag ng mama niya ang isang mangkok na puno ng kanin, sinundan ang isa pang mangkok sa mainit-init na sinigang na baboy. Walang pasabing kinuha ni Misha ang kubyertos at dali-daling humigob.
"Kahit na," dabog ng kausap niyang na-i-stress na yata lalo. "Nag-aalala lang ako kasi 'di naman siya ganito dati. Baka iba na ginagawa no'n. Baka nag-da-drugs na 'yon. Baka sangkot 'yon sa mga gang-gang."
"Ma," tawag niya para tumigil ito sa pagiging nega. "Mas maganda niyan, pilitin mong mag-usap kayo ni Jo-Ed. Mabait 'yong anak mong isa. Mas mabait pa sa 'kin." Kinindatan ni Misha ito at ngumiti.
Napangiti na rin ang mama niya. "Mamaya na tayo mag-usap. Kumain na muna tayo bago pa lalamig ang pagkain."
Tatangu-tango siyang sumunod habang nag-sign of the cross na.
Dali-dali niyang isinubo ang kapirasong baboy at kanin sa kaniyang bibig. Wala talaga siyang ganang kumain pero ayaw niyang ma-disappoint ang mama niya.
"Oo nga pala," patutsada nito. "Kailan pala dadalaw ulit dito si Dien? Matagal-tagal na rin no'ng huli kong nakita ang isang 'yon."
Kamuntik pa siyang mabilaukan dahil sa entrada ng mama niya. Dali-daling kinuha ni Misha ang isang babasaging baso na puno ng tubig at sunod-sunod ang kaniyang lagok para mawala ang nakaharang sa kaniyang lalamunan.
"Dahan-dahan kasing sumubo," sermon ng ina.
"Masarap ka kasi Ma magluto ng sinigang."
"Kahit na. Magdahan-dahan ka pa rin."
"Oo nga pala, sasabihin ko kay Dien na hinahanap mo siya para pupunta 'yon dito." Sana hindi mahalata ng kaniyang usap na wala siyang balak kausapin 'yon o papuntahin sa pamamahay na 'to. "Busy lang 'yong tao kaya walang time halos sa sarili."
Busy sa pambabae.
May sakit sa puso ang mama niya at mayroon pang high blood. May mga maintenance na rin ito ng gamot. Hindi healthy para dito ang makarinig ng masamang balita. Saka na muna ang problemang iyon. Saka na rin niya sasabihin nito ang katotohanan.
Kaya pa niya.
Kaya pa.
"KUMUSTA ANG unang experience mo, Bhest?" Unang bungad ng bespren niyang masayahin na si Miles. Ito lang din ang nakakaalam ng mga sikreto niya. Pangisi-ngisi pa itong nakatayo sa labas ng pinto ng kaniyang kuwarto. "Naisuko na ba ang bataan?"
"Shhh!" Tinakpan ni Misha ang bibig ni Miles at saka hinila papasok sa loob ng silid. Sinarado muna niya iyon bago niya binitiwan. "Ano ka ba! Bunganga naman, Bhest. Baka marinig ka ni Mama sa baba!"
Nakasuot ang bespren niya ng kulay itim na sexy outfit. Bagay ang floral deep V mini ruffle skirt sundress nitong kulay asul. Lutang na lutang din ang kinis ng mga hita nito at medyo pansinin ang dibdib na pinagpala. Ang pagkakaiba nga lang nilang dalawa, conservative si Misha pero itong bespren niya ay modernang-moderna sa lahat ng bagay. Virgin siya, pero si Miles, 'di na. Stick to one siya pero ang bespren niya naboboring kapag dalawa lang ang jowa. Sa sobra nilang opposite, isang himala at naging close sila ng ganito.
Nagtitigan silang dalawa roon, ngunit si Misha na ang unang nagbawi ng tingin.
"Hay naku, Bhest! 'Di ka na bata. Tumikim ka kung gusto mong tumikim. Kailan ka pa lalandi, ha? Kapag poreber ka nang nakatali sa iisang lalaki o kapag sobrang lusyang na 'yang beauty mo, ghurl?" Sinundan ni Misha ng tingin ang matalik niyang kaibigan na umupo sa higaan niya. Kakalagay lang niya ng panibagong bedsheets ito na may disenyo pang anime.
"Huwag mo akong isama sa mga trip-trip mo," pairap niyang sabi.
Napahinto si Miles sa pangungulit at tiningnan siya ng seryoso. "Badtrip ka, Bhest? Ibig sabihin, hindi ka nadiligan?"
"Gaga!" parang namumula pa yata ang kaniyang pisngi sa salitaan ng bespren niya. High school pa lang sila, kasa-kasama na ni Misha si Miles.
"Ikaw 'tong gaga, duh! Sumugod na nga sa lungga ni Adan, umuwing luhaan si Eba. Ano ba? Oy, Misha. Limang taon na kayo ni Dien. Ang lalaki may pangangailangan 'yan. 'Di tulad 'yan sa atin na malakas ang physical control. Sila, 'di kaya 'yon."
Doon na si Misha napabuntong-hininga. Ang mga ganiyang bagay ay maganda sanang pag-usapan pagkatapos ng kasal. Sa modernong panahon na ito, gusto niya pa ring maikasal na malinis pa. Gusto niya sanang ibigay ang virginity niya sa tamang tao na.
Mali at isang katangahan ang ginawa niya kagabi. Akala ni Misha 'yon na ng last option niya para maayos ang relasyon nila ni Dien. Na kapag gagawin nila 'yon, makakalimutan na ng boypren niya ang magloko. It was her last choice of giving herself up to a man for a better together, pero naiwan pa rin sa kamalasan.
"Nagdala siya ng babae, Bhest. Nakita kong nakapatong na siya roon sa sala. Hindi niya kasi alam na nandun ako. I tried calling him last night but he wouldn't even answer. Nakatulog ako sa kalasingan. Tapos ayun na nga ang eksena sa umaga."
"Di nga, Bhest? Magkuwento ka nga!" Walang pasabing niyakap si Misha ng kaniyang bespren. At dahil na rin hinagod-hagod nito ang kaniyang likod, doon na tuluyang tumulo ang mga luha sa kaniyang mga mata na buong araw niyang pinigilan. "Gago talaga 'yong jowa mo. Kung kailan ay malapit ka kayong ikasal, saka naman nagloloko. Naku! Hintayin lang niyang magkrus ang mga landas namin, kundi malilintikin talaga 'yan sa 'kin, Bhest!"