Kabanata 15
Guy
Lumipas ang isang linggo ay sariwa pa rin sa akin ang mga sinabi sa akin ni Grayson pero hindi ko maipagkakaila na gusto ko na siyang makita dahil isang linggo na rin siyang hindi nag paparamdam.
Feeling ko ayaw na niya akong makita dahil sa mga sinabi ko sa kanya and worst baka ma realize niyang wala pala siyang gusto sa akin. Ako rin naman ang may kasalanan kaya hindi ko siya masisisi kung hindi na siya magpakita sa akin.
"Sariah, are you going home?" napalingon ako kay Leanne ng tanungin niya ako. Kasalukuyan kaming nasa lounge dahil tapos na ang klase namin pero hindi pa ako pwedeng umuwi dahil may tatapusin muna kaming project na ipapasa sa next week.
"May gagawin pa kasi ako at hinihintay ko pa sila Andrea para tapusin ang final project namin." Sambit ko.
"Sa Prof. ed ba natin yan kay Ms. Guesmo?" sambit nito at tumango ako sa kanya. Next week na rin ang aming final exam at nalalapit na rin kaming mag 2nd year college sa kursong Bachelor of Elementary Education kaya kinailangan naming tapusin ang lahat ng requirements namin para ma sigurong qualified na kaming mag 2nd year.
"Akala ko ba tapos niyo na 'yon?"
"Marami pa kasi kaming tinapos at ififinalize nalang namin 'yong project namin, kayo? Tapos na ba?"
"Yeah, tinapos namin kahapon."
"Ah.. uuwi ka na ba? mauna ka na." nakangiti kong sabi.
"Sige, umuwi ka kaagad ha.. baka gabihin ka." Sabi nito at nakangiting tumango ako sa kanya. Nag paalam na rin siya kaya ako nalang ang naiwan dito sa lounge. May pinuntahan lang saglit sila Andrea at sasabay daw sila sa akin papunta kila Tyron dahil doon namin tatapusin ang project namin.
"Sariah!" napalingon ako ng may tumawag sa akin at Nakita ko na si Lucas ito, isa rin sa ka grupo ko.
"Bakit, Lucas?" nakangiti kong tanong sa kanya. Ngumiti ito ng malapad sa akin at hindi ko mapigilang humanga sa kanya dahil hindi ko maipagkakaila na gwapo rin ito at ang kanyang ngiti ay bagay na bagay sa kanya.
"Sabay na tayong pumunta kila Tyron." Nakangiting sabi nito.
"Nasaan sila Andrea? Sasabay daw sila sa akin."
"Tinawagan ako ni Andrea at sabi niya ay baka matagalan pa sila at pinapunta niya ako dito dahil baka mag hintay ka pa sa kanila." Sabi nito sa akin at tumango na lamang ako.
"Okay, tara na." nakangiti kong sabi at tumayo na ako. Habang nag lalakad kami ay hindi ko mapigilang tumawa sa mga kwento niya. May pagka joker pala itong si Lucas akala ko isa siyang masungit pero hindi pala.
Namalayan ko nalang na nakalabas na kami ng gate kaya pumunta na kami sa waiting shed dahil doon kami sasakay para makapunta kila Tyron.
"Sariah, gusto mo bang kumain muna? I lilibre kita." Nakangiti niting sabi at agad naman akong umiling. Nakakahiya sa kanya.
"Wag na, hindi pa naman ako gutom." Sambit ko sa kanya at nakita kong parang nahihiya ito kaya tumawa ako sa kanya.
"Nahihiya ka ba?" Natatawa kong sabi at nakita kong nagulat ito.
"H-hindi n-no.." Nauutal nitong sabi.
"Okay, Tara may trycle na." Sabi ko sa kanya habang tinuro ko ang trycle na kadadating lang.
Napatingin ako kay Lucas ng hindi ito gumalaw. Nakatingin ito sa aking likod at ang kanyang ngiti ay napalitan na ng takot ang mukha nito. Naguguluhan akong tumingin sa kanya dahil mababakas sa mukha nito na takot ito.
"Lucas, anong nangyayari sayo?" Naguguluhan kong sabi. Unti-unti siyang lumingon sa akin.
"I-I'm s-sorry.. H-hindi n-na ako makakasabay sayo, may pupuntahan pa pala ako." Nauutal nitong sabi habang natataranta ito.
"Lucas, ano bang nangyayari sayo? Tara na, sabay na tayo." sabi ko sa kanya pero hindi nakinig.
"Mauna kana kila Tyron at susunod na lamang ako." Nagmamadali nitong sabi at may sasabihin pa sana ako ngunit bigla nalang itong umalis kaya bumuntong hininga na lamang ako.
Napatingin ako sa likod ko dahil kanina ay nakatingin si Lucas dito pero wala akong nakitang nakakatakot kaya naguguluhan ako kung bakit ganon na lamang ang reaction niya. Wala na rin akong nagawa kundi sumakay sa trycle papunta kila Tyron. Nakapunta na rin ako sa kanila kaya walang problema.
"Manong, dito nalang po, salamat." Pagpapatigil ko sa kanya ng nasa tapat na ako ng bahay nila Tyron. Agad akong lumabas at nakita ko agad sila Andrea na nasa labas.
"Sariah! Mabuti nandito kana, tara pumasok ka." sabi ni Andrea kaya agad na akong pumasok. Napansin kong wala pa si Lucas, saan naman kaya siya nag punta?
"Nandito na ba si Lucas?" Tanong ko at nakita kong tumango si Trixie.
"Kani-kanina lang, lumabas sila para bumili ng pagkain. Wait.. Bakit nga pala hindi kayo nag sabay papunta dito?"
"A-ah.. Sabi niya may pupuntahan pa daw siya pero siya pala ang nauna dito."
"Sus.. Nahihiya lang 'yon!" Natatawang sabi ni Andrea.
"Siguro dahil alam naman naming may gu--"
"Trixie!" Sigaw ni Lucas kaya napatingin kaming lahat sa may pintuan. Agad silang pumasok at nilagay sa lamesa ang pinamili nila.
"Anong pinag sasabi mo, Trixie?" Tanong ni Lucas at parang kinakabahan ito.
"Ito naman si Lucas.. Wala no.. Wala akong sinasabi." Natatawang sabi ni Trixie.
"Itikom mo 'yang bibig mo ha.."
"Opo, Sir." Nakangiting sabi ni Trixie.
"Tama na yan, simulan na natin ang project natin para matapos na tayo." Sambit ni Andrea kaya agad na kaming nag tipon-tipon para simulan na ang aming project.
Makalipas ang dalawang oras ay sa wakas ay natapos na namin kaya napatingin ako sa relo ko ng makitang 7:00pm na. Hindi pa naman alam nila nanay na malalate ako sa pag-uwi.
"Sa wakas tapos na rin tayo!" Masayang sambit nila kaya ngumiti ako sa kanila.
"Andrea, pwede bang mauna na akong umuwi?" Tanong ko at lahat sila ay bumaling sa akin.
"Wag na, uuwi na rin naman kami kaya sabay na tayong lahat." sabi ni Andrea at nag Simula na silang mag ligpit ng gamit. Nang ma sigurong walang naiwan ay nagpaalam na kami kay Tyron at sa mga magulang niya.
"Dito nalang tayo mag hintay dahil may dumadaan naman ditong trycle." Sabi ni Trixie.
Naghintay kami ng ilang minuto at may dumaan na ring trycle at agad na kaming sumakay.
"Sariah, ikaw ang mauunang bababa sa amin diba?" Tanong ni Andrea kaya tumango ako.
Nang nasa malapit na kami sa bahay namin ay pumara na ako.
"Manong, dito nalang, salamat." Sabi ko sabay abot ng bayad ko pero pinigilan ako ni Lucas.
"Wag na, libre ko na ang pamasahe niyo." Sabi nito kaya narin akong nagawa kundi ibalik ang pera ko sa bulsa ko.
"Sariah, doon pa ang bahay niyo diba? Doon ka nalang bumaba, papasok naman ito doon diba manong?" Sambit ni Trixie.
"Oo naman!"
"Wag na, gusto ko ring mag lakad, sige paalam na." Pag papaalam ko sa kanila.
"Ingat ka Sariah!" Sigaw nila at kumaway ako sa kanila. Nang tuluyan na silang umalis ay agad na akong nag lakad papunta sa bahay.
Nakalimutan ko palang itanong si Lucas kung bakit ganon na lamang ang reaction nito. Di bale tatanungin ko nalang siya bukas. Medyo madilim pa naman dito dahil walang street light ang ilang parte dito. Karamihan kasi dito ay hindi na lumalabas ng bahay kapag pumatak na ng 6:00pm kaya walang mababakas na tao dito sa labas. Sobrang tahimik.
May narinig akong kaloskos kaya agad akong napalingon pero wala akong nakita. Nakaramdam ako ng kaba na baka may biglang mag pakita sa akin kaya bumilis ang lakad ko. Naramdaman kong parang may sumusunod sa akin kaya tumigil na muna ako. Takot na takot na ako. Unti-unti akong lumingon sa likod pero wala akong nakita.
Napatingin ako sa may poste at nanlaki ang mata ko ng makitang may bulto ng isang lalaki na nakasandal sa likod ng poste at tila tumatago ito. Kinikilabutan ako kaya agad akong napatakbo at bumibilis na rin ang t***k ng puso ko. Sino ang lalaking 'yon? Papatayin niya ba ako?
Agad akong nakarating sa bahay at agad akong pumasok. Puno ng pawis ang aking noo at tumutulo ito papunta sa leeg ko.
"Sariah! Anong nangyari sayo? Bakit pawis na pawis ka?" Natatarantang tanong ni nanay.
"W-wala po... Trip ko lang pong tumakbo hehehe.." Nakangiting sabi ko sa kanya.
"Ikaw talaga! Mag bihis kana at kakain na tayo." Sabi nito kaya agad akong dumiretso sa aking silid.
Napasalampak ako sa aking higaan. Hinawakan ko ang dibdib ko ng humupa na rin ito at normal na itong tumitibok. Sino kaya ang lalaking 'yon? Kilala ko ba siya? Hays.. Mababaliw na yata ako. Wag ko na ngalang isipin.
***
MsGishLin