Kabanata 35 Dinner Tama nga ang hinala ko dahil paggising ko kanina ay namumula ang mata ko sa kakaiyak kagabi at hindi ko na alam kung anong sasabihin ko sa mga taong makakakita sa mukha ko. Nag-ayos na muna ako at linapatan ko na lamang ito ng concealer para hindi mahalata pero medyo halata pa rin ang pamumula nito kaya hinayaan ko na lamang. Paglabas ko sa kwarto ay dumiretso na ako sa kusina. Hindi ko inaasahang nandito pa pala si nanay at kumakain sila. Nahihiya akong sumabay sa kanila pero malalate ako kapag ginawa ko 'yon kaya lumapit na ako sa kanila. "Oh.. Anak, buti nakapag-handa kana. Kumain kana." Sabi ni tatay ng pagkakita niya sa akin kaya umupo ako sa harap ni nanay. Habang kumukuha ako ng pagkain ay tumingin sa akin si nanay. "Anong oras matatapos ang klase mo ngayo