Kabanata 37 HOT Lumipas na ang dalawang linggo at dito pa rin ako tumutuloy kay Grayson. Minsan, naiisip kong nakakahiya na ang ginagawa ko sa kanya dahil sa pagtuloy ko dito pero palagi akong sinasabihan ni Grayson na okay lang sa kanya dahil Girlfriend niya naman ako. Kaya mas lalo akong nahuhulog sa kanya dahil sa kabaitan niya sa akin. At nitong mga araw ay hindi ko pa ring mapigilang mag-alala kila nanay. Hindi ako nagtanim ng galit sa kanila dahil magulang ko pa rin sila. Napatingin ako sa relo ko ng makitang 7:00pm na. Busy kasi kami ngayon dahil sa mga requirements namin sa school. Lesson plan doon, lesson plan dito at hindi ko na mabilang kung ilang activity na ang ginawa namin at project namin nitong mga araw. Next month na kasi ang pagtatapos ng klase namin kaya super bu