Kabanata 40 Visit Pagkapasok namin sa restaurant na ito ay iginaya kami ng isang waitress sa isang bakanteng lamesa at doon kami umupo. "This is our menu Sir and Ma'am." Nakangiting sabi ng waitress at tinanggap namin ang binigay nitong menu. Natakam agad ako sa pagkaing nakita ko sa menu. "Nakapunta ka na dito?" Tanong sa akin ni Grayson habang ako naman ay tumitingin sa menu. "Oo, noong nakaraang araw, kasama ko si Luis." Sabi ko habang abala ako sa pamimili ng makakain ko. Bigla akong napaharap kay Grayson ng maalalang may nabigkas akong pangalan. Hindi ko mapigilang mapatakip ng bibig ng makita ang mukha ni Grayson. "What did you say?" Seryoso nitong sabi kaya binalik ko ang atensyon ko sa menu at nagmadaling pumili. Nang makapili na ako ay sinabi ko agad ang order ko. "How