Kabanata 42 Blessing Dalawang buwan na ang nakakalipas at nong last week ay natapos na ang klase namin. Maraming nangyari sa dalawang buwan katulad na lamang ng pakikitungo sa amin ni nanay. Alam niyo ba? Sobra akong nasiyahan ng unang pagbisita nila nanay sa condo ni Grayson. Hindi ko inaasahan na bibisita sila pero sobra akong na excite na unti-unti na nilang natatanggap ang relasyon namin ni Grayson. Kahit na hindi sabihin ni nanay ay alam kong tanggap na niya si Grayson kaya sobra akong nasisiyahan sa mga nangyayari sa amin ni Grayson. Actually, simula ng tumira ako sa condo ni Grayson ay mas lalong maalaga siya sa akin at hindi niya ako pinapabayaan. Never niya akong pinaiyak at sinaktan kaya napapaisip na lang ako kung deserve ko ba si Grayson? Dahil sobrang swerte ko sa kanya