Kabanata 21
Reveal
Agad akong bumaba sa trycle ng makarating na ako sa university namin. Agad rin akong pumasok dahil ilang minuto na lang ay mag-sisimula na ang unang klase namin. Ilang buwan na rin ang nakalipas at malapit na rin ang finals namin sa first sem, 2nd year na rin ako ngayon at dalawang taon na lang ay magtatapos na ako. Hindi ko maiwasang mapangiti dahil konting panahon nalang ay makakakuha na ako ng diploma sa kolehiyo.
'Yong lakad kong mabilis dahil baka malate na ako ay unti-unting bumagal dahil sa mga matang nakatingin sa akin. Lahat ng estudyanteng nasa paligid ko ay lihim na sinusulyapan ako kaya naguguluhan ako kung bakit ganon sila makatingin sa akin. Hinaplos ko ang aking mukha baka may dumi ako pero wala naman. Napatigil ako sa pag-iisip ng biglang may humila sa akin at dinala ako sa isang sulok na walang mga estudyante. Napansin kong si Leanne ito.
"Bakit mo ako dinala dito? Baka dumating na si Ms. Fhey. Mapapagalitan tayo." Sabi ko sa kanya pero malungkot itong tumingin sa akin.
"Hindi mo ba alam? May kumakalat na balita na boyfriend mo si Grayson at marami ang tutol 'don dahil naging professor natin siya dito." Malungkot nitong sabi na nag pagulat sa akin.
"W-what..?" Hindi ako makapaniwalang, malalaman nila ito. Malaking problema ito lalong lalo na sa pag-aaral ko dito.
"Someone saw you with Grayson. Magka-holding hands daw kayo kaya halatang boyfriend mo siya. Is it true?" Tanong nito. Ilang buwan na rin palang tinago ko sa kanya ang sa amin ni Grayson at nalulungkot ako dahil hindi ko manlang nasabi sa kanya na may relasyon kami ni Grayson.
"I'm sorry.." Nakayuko kong sabi at nahihiya ako sa kanya dahil hindi ko sinabi sa kanya nong una na may namamagitan na sa amin ni Grayson.
"W-What.. H-How come? And you didn't tell me?" Hindi makapaniwalang tanong nito.
"I'm sorry, Leanne.. I'm just scared.." Nahihiya kong sabi.
"Because you're not trusting me, right?" Tanong nito kaya tumingin ako sa kanya.
"No, we're friends for so long and I'm trusting you, okay?"
"Yeah pero ano itong nililihim mo sa akin?" Galit nitong sabi at tumalikod sa akin kaya yinakap ko siya. Ayokong tuluyan na siyang magalit sa akin.
.
"I'm sorry, please.." Nagpapakaawa kong sabi at sobra akong nasasaktan ng maisip na wala akong tiwala sa kanya pero hindi 'yon totoo dahil tinuring ko na siyang isang kapatid kaya lang ay natatakot akong sabihin sa kanya ang sa amin ni Grayson.
"It's okay but next time sabihin mo na sa akin at wala nang secret, okay?" Sabi nito na nag pangiti sa akin.
"Okay! Thank you!" Masaya kong sabi at niyakap ko ulit siya.
"Sariah, I just wanna ask you something.." Malungkot nitong sabi.
"Tungkol saan?"
"Kayo na ba ni Grayson nong nandito pa siya?"
"No, naging kami nong umalis na siya dito, bakit?"
"I'm sorry pero alam na ng mga teachers natin ang balita na ito kaya nagpatawag ng meeting ang dean natin para sa mga teacher natin para pag-usapan ito." Sabi nito na nagpakaba sa akin. Paano na ang scholar ko dito? Parang may nakadangan na isang bagay sa aking dibdib dahil sa aking nalaman.
"Sariah.." At niyakap niya ako. Ano nang gagawin ko? Gusto kong umiyak pero parang may pumipigil sa akin na hindi ko dapat gawin 'yon. Kailangan kong maging matatag para manatili ako dito.
"Okay lang ako, Leanne.." Nakangiti kong sabi pero parang pilit lamang 'yon dahil kinakabahan na ako sa mangyayari at hindi ko alam kung ano ang magiging resulta ng pag-uusap nila.
Bumalik na kami sa magiging klase namin ngayon pero hindi pa kami nakakarating sa room namin ng masalubong namin si Ma'am Steph.
"Ms. Cornello, I want to talk to you on my office." Sambit nito na nagpakaba sa akin kaya tumingin ako kay Leanne.
"Mauna kana." Sabi ko sa kanya at malungkot itong tumingin sa akin. Nang makaalis na ito ay sumunod na ako kay Ma'am. Nang makarating na kami sa office nito ay sinarado ko muna ang pintuan at hinarap si Ma'am.
"Maupo ka muna," sabi nito kaya agad akong umupo at bumibilis ang t***k ng puso ko dahil sa kaba.
"Ms. Cornello, gusto ko lang ipaalam sayo na nagkaroon kami ng meeting tungkol sa kumakalat na isyu sainyong dalawa ni Sir Grayson." Seryoso nitong sabi at aking mga kamay ay nanginginig na rin.
"Hindi magandang bumase na lamang kami sa iba kaya gusto kong itanong sayo kung totoo nga ba ang kumakalat na isyu na 'yon?" Tanong nito kaya agad akong tumango. Hindi ko alam kung paano o ano ang sasabihin ko sa kanya.
"I'm very disappointed.." Sabi nito at nakita kong umiling-iling ito kaya nahihiya ako kay Ms. Steph dahil sa ginawa ko.
"I'm sorry, Ma'am.."
"Alam mo bang malaking problema itong pinasok mo? Hindi namin tinotolerate 'yang ganyang gawain na magkaroon ng relasyon sa isang estudyante sa kanyang guro."
"Wala pa pong namagitan sa amin ni Grayson nong nagtuturo siya dito. Naging kami po nong wala na po siya dito."
"Oo nga pero hindi natin mababago ang isip ng iba." Sabi nito.
"Okay lang naman 'yon para sa akin pero paano yong iba? Hindi pare-parehas ang tingin namin." Sabi pa nito kaya unti-unti akong nanlumo dahil ang bait ni ma'am sa akin pero ito lang ang mangyayari sa akin.
"Alam mo bang napag-usapan namin ang scholarship mo dito sa university?" Sabi nito kaya bigla ako tumingin sa kanya dahil sa sinabi nito.
"M-Ma'am.." Mahina kong sabi.
"Muntik ng mawala ang scholarship mo dahil sa relasyon na 'yan, ang alam ko gusto mong maka-graduate, diba? Pero anong nangyayari?" Medyo galit nitong sabi kaya hindi ko mapigilang mapaiyak.
"I'm sorry.."
"Buti nalang naging maganda ang performance mo dito sa school kaya hindi mawawala ang scholarship mo." Nagulat ako sa sinabi ni ma'am kaya napatingin ako sa kanya.
"Thank you ma'am.." Nakangiti kong sabi.
"Pero may kondisyon ito, Ms. Cornello." Sabi nito kaya agad akong tumango, gagawin ko lahat para hindi mawala ang scholarship ko.
"Gagawin ko po ang lahat para po hindi po ito mawala sa akin." Sambit ko sa kanya at tumango tango ito.
"Magkakaroon ka ng school service after ng klase mo in 1 week or masususpend ka in 1 week, pumili ka sa dalawa." Napangiti ako sa tinuran nito, okay lang na mag school service ako dahil 1 week lang naman ito.
"Pipiliin ko po 'yong una, maraming salamat po, ma'am!" Masaya kong sabi.
"Okay, it's settle now, you can go back to your class and you can start later, okay? Just come here when you already done with your class so, that I can give you an instruction." Sabi into at tumango ako sa kanya.
"Okay po, ma'am.." Sabi ko sa kanya at tumayo na ako.
"Bye po.." Pagpapaalam ko kay ma'am at tumango ito sa akin. Tumalikod na ako at lalabas na sana ng tawagin ako ni ma'am kaya humarap ako sa kanya.
"It's better to break up with him, bata ka pa at may pangarap ka sa buhay kaya wag mo sanang hayaan o mawala ito." Seryosong sabi nito at ngumiti na lamang ako ng pilit.
Tumalikod na ako at lumabas na. Naninikip ang dibdib ko ng maisip na hihiwalayan ko si Grayson. Hindi ba pwedeng kami habang nag-aaral ako? Hindi ba pwedeng maging masaya ako? Agad kong pinahid ang luhang tumulo sa aking pisngi. Ayokong makita nilang akong umiiyak .
Nang makadating na ako sa room namin ay huminga muna ako ng malalim bago pumasok. Napansin kong nagsisimula na sila at tumingin silang lahat sa akin nang pumasok ako kaya tumingin ako kay Ma'am.
"Good morning ma'am, I'm sorry, I'm late.." Pagbati ko dito.
"It's okay, you may sit now," tugon nito, kahit ganito ang nangyari ay mabait pa rin sila sa akin pero hindi ko masasabing pati mga kaklase ko dahil ang mga tingin nila sa akin ay may halong panghuhusga at kulang na lang ay sabunutan nila ako pero alam ko namang hindi nila ito magagawa dahil hindi na kami mga bata para gawin ito.
"Kamusta?" Bulong ni Leanne nang makatabi ako sa kanya at ngumiti ako sa kanya. Sinugurado kong hindi pilit ang ngiti ko para hindi niya mapansin na sobra akong nalulungkot. Ayokong madamay pa siya sa kalungkutan ko.
"Okay lang, mamaya ko nalang ikwekwento sayo." Nakangiti kong sabi at tumingin na sa harap upang makinig kay Ma'am.
Nang matapos na kami sa klase namin ngayon ay pupunta na ako sa office ni Ma'am pero kasama ko pa rin ngayon si Leanne dahil hindi ko pa nasasabi sa kanya yong nangyari kanina.
"Ahmm.. Leanne, mauna ka nang umuwi, dadaan pa ako sa office ni Ma'am." Sabi ko sa kanya at nagulat ako ng hinila niya ako sa gilid at sumilip muna siya kung may mga estudyante pa ba at nang masigurong wala na ay humarap siya sa akin.
"Anong nangyari kanina?" Agad nitong tanong kaya bumuntong-hininga ako.
"Masususpend ako in 1 weeks pero--" napatigil ako ng bigla itong magsalita.
"What the hell!? Grabe naman 'yon!" Naiinis nitong sabi.
"Wait lang.. Hindi pa ako tapos, okay?" Nakangiti kong sabi at nakita kong huminga ito.
"Pinapili nila ako kung masususpend ba ako in 1 weeks o gagawin ko 'yong school service na sinasabi ni Ma'am at pinili ko yong school service kaya hindi ako masususpend, okay?" Nakangiti kong sabi at tila nakahinga na nga ito ng malalim ng malaman na hindi ako masususpend.
"Thank God!" Bulalas nito.
"Kaya mauna ka nang umuwi dahil pupunta pa ako kay Ma'am." Sabi ko sa kanya at umiling ito.
"Sasama ako sayo at sabay na tayong umuwi."
"Matatagalan pa ako, Leanne."
"Okay lang sakin--"
"Wag na, Leanne, mauna kana okay? Sa susunod na lang." Sabi ko at nagprotesta pa ito pero tinulak ko na ito papalayo sa akin.
"Sige na babye na.." Pagpapaalam ko sa kanya at nakita kong napasimangot ito.
"Sa susunod hindi mo na ako mapipigilan! Bye!" Naiinis nitong sabi pero ngumiti itong nagpaalam sa akin.
"Hays.." Napapangiti na lang ako sa sarili dahil kahit ganito 'yong nangyayari ay may kaibigan pa rin akong handang sumuporta sa akin.
Nang makadating na ako sa opisina ni ma'am ay kumatok muna ako baka busy ito.
"Ma'am.."
"Pasok," narinig kong tugon nito kaya pumasok na ako. Pagpasok ko ay nakita ko si ma'am na may kausap na isang lalaki at nang makita ako ni ma'am ay lumingon ito sa akin saba'y nong lalaking kausap nito. Nagulat ako, bakit siya nandito?
"Good afternoon, ma'am." Bati ko kay ma'am.
"Good afternoon, since, you are here now, magsimula na kayong maglinis sa library." Sabi nito.
"Kami?" Tanong ko dahil baka nabibingi lang ako.
"Yes, kayong dalawa ni Mr. Smith."
"Hi, Sariah.." Nakangiting bati nito kaya ngumiti na rin ako.
"Hi, Luis.." Nakangiti kong sabi. Kahit gulat man ay masaya pa rin ako dahil may kasama ako sa paglilinis at kaklase ko pa. Hindi na rin masama.
"Mauna na kami, ma'am.." Pagpapaalam ni Luis at sabay na rin kaming lumabas at tinahak na ang daan papunta sa library.