CHAPTER 43

1164 Words

lIsang araw, habang magkatabi silang naupo sa may swing na nasa harden, napansin ni Natalie na para bang balisa ang lalaki. Kanina pa niya napansin na parang may iniisip itong iba. Babae kaya? Huwag naman sana! Baka makalbo niya ito! Then, bigla na lang itong lumingon sa kanya at ang paraan ng pagtitig nito ay nakakawindang ng kanyang damdamin. “Teka, bakit ganyan ka makatitig sa akin?” Tinanong niya si Juan. Matapos niyang isukong muli ang kanyang sarili sa lalaki ay nagpasya na siyang iparamdam dito na mahal niya ito kahit ano man ang mangyari. Nagpasya siyang ipaglaban ang kanyang tunay na naramdaman para kay Juan. “May sasabihin ka ba?” Bahagyang kinabahan si Natalie habang nagtatanong. “Nagugutom ako,” sabi ni Juan. “Nagugutom ka lang tapos ganyan ka na makatitig sa akin? Bakit?”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD