Nang umalis si Natalie ay hindi nag-aksaya ng panahon si Juan upang kausapin ang babae. "Bakit?" Tanong niya. “To be with you one more time,” matapang na sagot niya. Natigilan si Juan sa kanyang matapang na tugon, ngunit hindi ito natapos sa mga salita lamang. Isinara ni Aizel ang distansya sa pagitan nila at binihag ang bibig ni Juan. Nalasahan niya ang itim na kape sa bibig nito pero tuloy pa rin siya sa paghalik kay Juan. Mapusok iyon at hindi nagtagal ay itinulak siya ng lalaki. "Are you crazy? Ang nangyari kagabi ay isang pagkakamali," paglilinaw ni Juan sa babae. "Alam ko pero mahal na mahal pa rin kita," sagot niya. “Hindi mo na ba ako gusto?” Nagpakawala ng malalim na hininga si Juan bago niya kinausap si Aizel. "Let's not make things more complicated," aniya at iniwan ang ba