Pagpasok niya sa opisina ay kumunot ang noo ni Richard nang mapansin niyang wala ang kanyang sekretarya. Pasado alas otso na ng umaga pero hindi pa dumarating si Natalie. Bumuntong-hininga siya bago kumuha ng isang tasa ng mainit na kape mula sa pantry. “Mommy!” Nagulat siya nang makita ang kanyang ina na papasok ito kasama si Natalie. "Sabi ni Lola may pinuntahan ka," sabi niya. “Morning, baby! Dumaan lang ako para kumustahin. By the way, I’ll be using the conference hall for a few hours,” sabi ni Donna pero ang mga mata niya ay kay Natalie. Nagsalubong ang kilay ni Richard sa sinabi ng kanyang ina. "Para saan?" Tanong niya. "Natalie, maaari mo bang ibigay ito kay Amber?" Tumango si Natalie at tinanggap ang mga dokumento mula kay Richard. At least, hindi niya maririnig ang pagtatalo n