Kabanata 9: Giving In Tila sinilaban ang katawan ni Daxon nang tuluyang idikinit ni Althea ang katawan nito sa kanya. Damang-dama niya ang malulusog at bilugang dibdib nito na tila kutson sa lambot. Halos manuyo na ang kanyang lalamunan. Halos mabingi siya sa lakas ng kabog ng kanyang dibdib. Nasa harap na niya ang temptasyon. Kusa nang inihahain sa kanya ang palay at tutukain na lang niya. Pero nagdadalawang-isip siya. Lasing ang dalaga. Malamang ay wala ito sa wisyo at ayaw niya namang samantalahin ang pagkakataon. Gusto niya ito, oo. Gustong-gusto. Pero hindi sa ganitong paraan niya gustong angkinin ang dalaga. He wants to claim her when she’s sober para maalala nito ang bawat sandaling magkapiling sila. “You’re getting really, really hard here, ninong...” Napakurap siya nang muling