Don’t be late. Got it? Nakatitig lang si Daxon sa kanyang cellphone at binabasa ang texts sa kanya ni Felicity. Kamuntik na niyang makalimutang may lakad nga pala siya mamaya kasama ito at ang pamilya nito. Masyado niyang na-enjoy ang ang paglilinis ng bahay kaya nawala na sa isipan niya ang mga kailangan niyang gawin. Napabuga na lang siya ng hangin bago sinilip ang inaanak na kasalukuang nanonood ng TV. Napatitig siya rito at naalala ang nangyari kanina. Napailing na lang siya dahil hindi niya inaasahang sa dalaga pa siya makakaramdam nang gano’n. “Althea...” tawag niya rito saka siya umupo sa katapat nitong upuan. “May pupuntahan ako mamaya kaya hindi ako makakapagluto ng dinner. If it’s fine with you, um-order ka na lang o ‘di kaya’y kumain ka na lang din sa labas. Ako na ang baha