Hindi maitago ni Brent ang ngiti sa kanyang mga labi habang binabasa ang text sa kanya ni Peter. Malapit na itong umuwi ng Pilipinas, at kapag nakauwi na ito ay ipapakilala na siya nito nang pormal sa anak—malalaman na ni Althea na ipinagkasundo silang ipakasal ng mga magulang nila. Kung nagkataong hindi sila nagkakilala ni Althea, paniguradong kakabahan siya. Pero alam niya sa sarili niya na kahit papaano ay may pag-asa siya. Kung hindi man siya mahal ng dalaga, at least magkaibigan sila. And they can start from there and work their way up. Mas mataas ang tiyansa na pumayag ang dalaga sa kasunduan. Gustong-gusto na sana niya itong makita, pero hindi niya magawa dahil abala siya sa trabaho. He has a line of tasks that he needs to get done within a limited time frame. At ayaw niya namang