“Wala kang kwenta!” Umalingawngaw ang malutong na tunog ng sinturon nang tumama ito sa binti ng isang batang lalaki. Kasunod nito ang pagpalahaw ng bata at napaupo na lang habang himas-himas ang binti. “Ramon, ano ba!” Agad siyang dinaluhan ng kanyang ina. “Lumayo ka riyan Cynthia! Huwag mong kunsintihin ang batang ‘yan!” singhal nito. “M-Mommy…Ang sakit, mommy…” pagsusumbong niya at yumakap sa ina. “Please tell daddy to stop. Please…” pagsusumamo nito. “Halika rito. Hindi pa ako tapos sa ‘yo!” Pwersahan siyang hinila ng ama palayo sa kanyang ina saka siya muling hinataw ng sinturon. Muling umalingawngaw ang kanyang iyak. Halos mapaluhod siya sa sakit ng kanyang mga binti. “Ilang beses ko nang sinabi sa ‘yo na pag-aarap ang atupagin mo at hindi ang putànginang laro na ‘yan!” Ha