Kabanata 20: Tampo

2398 Words

Kabanata 20: Tampo Muling sinulyapan ni Althea ang repleksyon sa salamin para siguraduhing maayos ang suot. Malinis na nakatali ang kanyang itim na buhok kaya kitang-kita ang yamang taglay ng kanyang dibdib na ikinukubli ng suot niyang puting long-sleeved na polo na pinatungan niya ng kulay itim na coat at ipinares sa itim na pencil skirt at itim na stilettos. At nang makontento sa suot ay kinuha na niya ang bote ng pabango saka nag-spray sa kanyang leeg at magkabilang palapulsuhan. Pagkatapos ay lumabas na siya ng kwarto para mag-almusal. Pagkababa niya ay bumungad agad sa kanya ang kanyang ninong na nakasuot na ng puting long sleeves at navy blue na necktie at pang-opisinang pantalon. Napakalinis nitong tingnan. Napakagwapo. Wari mo’y isang maginoo—‘yon nga lang may tinatagong kaba

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD