“Should we go and buy a new bed for us?” Napataas ang kilay niya nang marinig ang sinabi ng babae. Nang balingan niya ito ay bakas sa mukha nito ang kasabikan—nagniningning ang mga mata at kay lapad ng ngisi. “Felicity…” Hinilot niya ang sintido niya para pakalmahin ang sarili. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang inis niya sa pagdedesisyon nito nang hindi man lang siya kinokonsulta. “I may have agreed that we live under the same roof, but it doesn’t mean we’ll sleep together,” mahinang sagot niya. Sinadya niyang hinaan ang boses upang hindi marinig ni Isabel ang usapan nila. “You’ll sleep in another room.” Kita niya ang pagtutol sa mukha ng babae. Pero hindi nito magawang magpumilit dahil may makakarinig ng pagbabago ng usapan nila. He knows dàmn well that Felicity doesn’t want