Kabanata 11: Regret Kunot-noong nagising si Althea dahil sa labis na sakit na nararamdaman niya sa kanyang ulo at sa ibang parte ng katawan niya. Pikit-mata siyang bumangon pero agad na napadaing sa sakit nang maramdaman ang matinding hapdi sa sentro ng kanyang mga hita. Agad siyang nagmulat ng mga mata at dali-daling tiningnan ang kanyang kaselanan. At labis-labis na lang ang panlalaki ng kanyang mga mata nang makitang namamaga at namumula ito. “What the—” Hindi na niya natapos ang dapat sana’y sasabihin niya nang isa-isang lumitaw sa kanyang isipan ang mga pinaggagawa niya kagabi. At sa bawat alaalang lumilitaw ay palaki nang palaki ang kanyang mga mata at awang ng kanyang bibig. “What the actual fùck?!” naibulalas na lang niya nang tuluyang maalala ang dahilan ng sakit na nararamd