“I love you, Althea,” bulong sa kanya ni Daxon habang niyayapos siya nito mula sa kanyang likuran. Hinawi nito ang kanyang buhok habang dinadampian ng masusuyong halik ang kanyang balikat papunta sa kanyang batok. “I love you, too, Daxon.” Napayuko siya. Kinapitan niya ang braso ng lalaki habang dinadama ang nakakakiliti at nakakapag-init nitong mga halik. Bawat lapat ng labi nito ay tila pinapaso ang kanyang balat. Dinig na dinig niya ang malamyos na tunog na ginagawa ng bawat paglapat ng mga halik nito. “I love you so dàmn much,” muling bulong nito at niyapos nang mahigpit ang kanyang maliit na katawan. Ikinulong siya nito sa maskuladong mga braso nito. Tanging mga mahihinang ungol lang ang nagawa niya. She was held captive by his warmth, and even she could find a way to escape, she