Kabanata 25: Felicity Hindi na nga maganda ang simula ng araw ni Daxon dahil sa inaanak niyang binasura siya, ay mas lalo pa itong nasira ng salubungin siya ni Felicity pagkarating na pagkarating niya ng opisina. “Good morning, Dax,” malambing na bati nito sa kanya saka siya niyakap nang mahigpit. Agad na nanuot sa ilong niya ang matamis ag mamahalin nitong amoy. Hinintay niya lang na kumalas ito sa yakap niya. He did not even bother to hug her back or at least return her greetings. Hindi siya masayang makitang muli ang babae, dahil isa lang ang ibig sabihin nito—panibagong sakit ng ulo. “Didn’t you miss me?” tanong nito at ngumuso pa. Other men might find that cute, but not him. “I don’t have to answer that, do I, Fel?” masungit niyang tugon dito bago siya nagtuloy-tuloy sa pagpas