PROMOTION ONLY! SIMULA “Anak, mag-iingat ka roon, ha? Kapag kulang ang allowance mo ay sabihan mo lang kami ng itay mo at papadalhan ka namin,” nakangiting sabi ni mama habang hawak-hawak ang magkabilang kamay ko bago ‘yon marahang pinisil. “’Nay, sapat na po ang perang ipinadala n’yo. Sabi naman ng agency ay sagot nila ang boarding house namin at pagkain namin kaya hindi ako mapapagastos nang malaki,” sagot ko sa kanya. Ayoko na kasing gumastos pa sila dahil naisangla na nga nila ang titulo ng maliit naming lupain para lang may panggastos ako sa pagpa-process ng mga papeles ko. “Anak, magsabi ka lang sa amin,” sabat ni Tatay bago niya kinuha ang kamay ko at mariin ‘yong pinisil. Damang-dama ko ang gaspang at mga kalyo sa palad niya—at ‘yon ay simbolo ng paghihirap niya maitaguyod l