Kabado man sa nakaraang komprontasyon ay natuloy pa rin ang plano nila Althea at Daxon na sabay na pumunta sa outing ng mga executive. “Are you sure she won’t find out?” tanong ng dalaga. Makailang beses na niyang inulit ang tanong na ‘yon sa ninong niya, dahil hindi mawala-wala sa isipan niya ang reaksyon ni Felicity habang nakatingin sa kanya. That woman looked like she would choke her to death any moment. “There’s no way she would find out,” kumpiyansang tugon ng lalaki at hinawakan pa ang kamay niya para bigyan siya ng kasiguraduhan. “So don’t worry, and just enjoy this little break we have,” dagdag nito at matamis na ngumiti sa kanya. Marahan siyang tumango at sumandal sa upuan sabay tingin sa labas ng bintana. Maybe she’s just worrying too much and overthinking about last time.