Inaasahan na ni Leon na tatawagan siya ng kaibigang si Wilson kaya nang makitang natawag ito ay hindi na siya nagulat pa. Napabaling lang siya kay Santa bago sagutin ang tawag nito at kitang inis pa rin sa kanya ang dalaga. Naisip na sa balcony ng silid na kinaroroonan sasagutin ang tawag ng kaibigan kaya agad siyang nagtungo roon. "Hello, Wilson?" aniya habang papalabas. "Good that you answer," seryosong tinig ng kaibigan. "Let's meet and talk," anito. Napatingin si Leon sa loob ng silid, hindi niya kita si Santa buhat roon pero batid na nakatingin ito sa kanya. "Is this about my—" putol na wika ni Leon nang sumabad ang kaibigan sa kabilang linya. "Yes, it's about your very young girlfriend," deretsahang wika ng kaibigan. "Tell me, how old is she? Sixteen or seventeen?" panghuhula n