Chapter 26: Angkinin mo ako, Ninong

1753 Words

Tanghali na at hindi namapakali si Leon kung pupuntahan nga ba ang inaanak na si Santa o hindi? Alas-dos daw matatapos ang graduation practice nito kaya ibig sabihin na maaga ang uwian ng mga ito. "Sir, lahat po ng materyales ay delivered na," untag sa kanya ng kanyang bagong head engineer. "Good," tipid na tugon rito. "Are we going to—" putol na tanong nito ng itaas ang kanyang kanang kamay. "I will be busy later, ikaw na muna ang bahala rito," aniya sa katiwala. Kinuha niya ito para kapag wala siya ay may nakatingin sa mga trabahador at siguraduhing pulido at maayos ang lahat. "Sure, sir," mabilis namang tugon ng lalaki sa kanya. "Thank you, Mr. Galvez, see you tomorrow then," aniya saka tuluyang nagpaalam sa head engineer. Dinaanan pa niya ang foreman na si Mang Bert upang magpaa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD