Habang magkakasalo sa hapag-kainan ay lihim na inuobserbahan ni Santa si Marlon. Mukha namang nahihiya itong tumingin sa kanya at kung may gusto itong sabihin ay laging sa ina dinadaan. "Anak sabi ng Tito Marlon mo, ano daw gusto mong regalo para sa graduation mo. Nakuwento ko kasi sa kanya na ikaw ang Valedictorian sa batch ninyo," bulalas ng ina na halatang masiglang-masigla. "Ayos lang po kahit wala," mahinang tugon niya sa ina na batid na narinig din naman ng lalaking nasa tabi nito. "Gusto yata ng tito mo na bigyan ka kasi hindi ka nabigyan noong 18th birthday mo," hirit pa ng ina na halatang bini-build-up niya sa kanya ang lalaki. "Ayos na sa 'kin, inay kahit wala basta huwag ka niyang sasaktan," tugon niya sa ina. "Narinig mo 'yon, Marlon?" giit naman ng ina sa lalaki na tila n