Pagkagising ni Santa ay mabilis na napabangon sa kinahihigaang kama, wala na sa tabi si Leon, wala rin sa loob ng silid kaya mabilis siyang napatayo pero agad ring napabalik sa kama nang mapagtantong hubo't hubad siya. Ilang sandaling nakaupo sa kama habang takip ng kumot ang kahubaran hanggang sa naisipang tumayo at hinanap ang kanyang bag. Halos mabuksan na niya ang buong closet ni Leon pero hindi 'yon mahanap at sa huling pinto ng closet ay nagulat siya nang bumulaga ang mga damit pambabae na naroroon. Nakamaang siyang nakatitig doon nang pumasok ito sa sipid mula sa labas. Napalingon siya rito at deretso lamang si Leon na niyakap siya buhat sa likod niya. Mainit ang katawan nito kahit nakadamit na ito habang siyay hubad pa rin. "Nasaan ang bag ko?" tanong sa lalaki. "Huwag mo nan