XERXES ERASTUS CALIENTE'S POV "Erastus, kailan ka ba uuwi rito? Hinahanap ka na ng mommy mo," si dad na panay ang tawag nitong mga nakalipas na araw. Pinauuwi na nila ko ni mom sa Bikol para sama-sama na raw kami roon, pero dahil matigas ang ulo ko ay palagi ko silang tinatanggihan. Ayaw ko namang iwanan ang bar ko rito sa Manila. Isa pa, matanda na ko para gumawa ng sarili kong mga desisyon. Gusto kong magtagumpay ako sa landas na pinili ko at gusto kong patunayan iyon lalong lalo na kanya at kay Zigi na laging naikukumpara sa'kin. "Dad, you know I can't. I love mom and you, but I can't leave Manila," I said, narinig ko ang pagbuntong hininga niya. "Zigi is on his way there to fetch you and you two will come home tomorrow, sa ayaw mo o sa gusto," sambit niya sa pinakamadilim na tinig
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books