I LOVE YOU ELIXIR MATTHEW CALIENTE "She's okay, there are a few bruises and scratches, but she's fine. Don't worry because that man didn't succeed in what he planned. Nakatulog siya dahil sa pinaamoy sa kanya pero magigising din siya kaya wala kang dapat ipag-alala," mahabang litanya ni Carleigh Sta. Ana, ang doctor na kaibigan ni Alixiel at love interest ngayon ng pinsan niyang si Maddux. Nakahinga nang maluwag ang lahat sa sinabi nito maliban sa kanya. Kahit pa hindi nagtagumpay ang gagong 'yun sa hindi magandang balak nito kay Xyrelle ay hindi pa rin siya kuntentong nasa ospital lang ito at hindi sa morgue. "Thank you, Leigh," pasasalamat ni Alixiel sa babae habang siya ay nakatayo lang at walang imik sa paanan ng kinahihigaan ni Xyrelle. "Thank you, doktora," Xyrelle's friends sa