FINALLY, WAITING IS OVER SOMEONE'S POV HUMINGA ako ng malalim bago siya mahinang tapikin sa braso. Mabilis siyang lumingon sa gawi ko saka tumango. Ilang araw din namin itong plinano at ilang buwan din siyang nagtiis kaya't hindi kami pwedeng magpadalos-dalos. "You sure you want to do this?" tanong kong naninigurado sa desisyon at gusto niyang gawin. "I'm sure as heck," sagot niya sa'kin sa seryosong tinig bago maingat at walang ingay na umakyat sa gate. "Kapag nalaman niya 'to siguradong magagalit siya," pagpapaalala ko sa kanya pero mukhang hindi siya nakikinig dahil mabilis siyang tumalon pababa at sinimulang subukang buksan ang pinto. "I'll do it," I offered before jumping down the gate. Maingat din akong naglakad palapit sa kanya habang paminsan-minsang tumitingin sa paligid.