Chapter 70

1917 Words

IBINABA ni Jared ang bote ng beer na hindi niya alam kung pang-ilan na niya nang gabing iyon. Sa medyo nahihilo nang paningin ay nakita niya ang nagkalat na bote sa kaniyang kuwarto. Ang iba yata doon ay kaninang umaga pa. Tapos ang iba naman ay kaninang tanghali. Nagpahinga lang siya sandali pagkatapos ay uminom na naman. Simula nang bumalik siya galing Maynila at sinabi sa kaniya ni Bim-bim na tigilan na niya ang paghahabol kay Jheann dahil nagpakasal na ito kay Mr. Smith at nasa London na, walang araw na hindi nagpakalunod sa alak si Jared. Hindi niya matanggap ang sinabi pa ni Bim-bim na ibinilin daw ni Jheann na huwag na niya itong habulin pa dahil bukal sa loob nito ang pagpapakasal sa matandang dayuhan. Pakiramdam ni Jared ay para niya iyong ikamamatay sa tuwing sumasagi sa isip n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD