GABI na nang matapos si Jared sa trabaho niya sa Davies. Palagi siyang ganoon. Ayaw kasi niyang may naiiwan na trabaho. Gusto niya ay iyong natapos niya agad para makasimula ng panibago. Kung kinakailangan niyang mag-overtime ay nag-o-overtime siya. Kaya marami sa mga empleyado niya ang nahahawa sa kasipagan ng binata. Bukod doon, kaya ayaw ni Jared na may naiiwang trabaho sa opisina dahil may mga pagkakataon na ilang araw siyang nawawala sa kumpanya. Pero pinapauna na niya uwi si Olivia dahil ayaw niyang ginagabi ito. Minsan ay hindi na rin siya nagpapahintay pa kay Harry. Lalo na kapag pagkatapos ng kaniyang trabaho sa opisina ay may nilalakad pa siyang mahahalagang bagay. Katulad ngayon. Imbes na dumiretso nang uwi sa bahay ng ina ay dumaan muna si Jared sa sariling mansiyon at na

