KATATAPOS lamang namin mag-dinner. Ang dami nilang inorder, masyadong natuwa si Kori sa ka-o-order kahit sabihin mong siya ang magbabayad. Kaya heto kami sobrang nabusog, inubos namin ang lahat ng pagkain na inorder niya. Naglalakad kami ngayon papunta sa pampang, nasa likod lamang ako at hindi ko alam na maging si Conrad ay lumikod din. Siguro hindi niya rin ma-take ang mga kaibigan kong naglalandian, lalo na si Shanel sa boyfriend niyang si Kei. Grabe magpa-baby talk, akala mo nasa loob na sila ng hotel room nila, eh, nasa restaurant pa man din kami. Mabuti na lamang ay hindi nairita si Myra na siyang katabi niya. “Can we talk?” Napatigil ako sa paglalakad nang magsalita si Conrad. Napatingin ako sa kanya at nakita kong huminto na rin siya. Lord, heto na ba ang chance ko? Heto na ba