SA SOBRANG pagkataranta ko ay tumakbo ako palayo roon sa harap ni Cashel. Sobrang daming tao na ang nasa paligid naming dalawa at naririnig ko na ang mga bulungan nila sa akin. “Grabe, siya ang dahilan!” “Sino ba siya? Mas maganda pa rin si Nathalie!” “Sshhh, naririnig tayo ng malandi.” Iilan lamang iyon sa mga naririnig kong bulungan kanina habang nakatayo ako roon. Kaya pumasok na lamang sa isipan ko ay tumakbo palayo sa mga tao roon. Nang makarating ako sa condominium ay ni-relax ko ang aking sarili at lumakad na parang walang nangyari. Naalala kong pinsan ni daddy Conrad si Blessie — ang isang iyon ay nandito ngayon sa front desk, kaya hindi niya dapat masabi kay daddy Conrad na natataranta ako. Palihim akong napatingin sa direksyon ni Blessie at tama nga ang hula ko, nakating