UNA kaming nakarating sa hotel nina Bella, Kyro and Kori. Mas malaki kasi ang room nila kaysa sa amin kaya rito namin pinagpasyahan na kumain ng dinner at the same time ay manood ng horror movie pero ang mga boys ay nag-iinuman, last night namin ngayon at bukas ay uuwi na kaming lahat. Friday na bukas at may review class pa kaming tatlo nina Shanel and Myra tuwing weekends. Mga taong minuto nang dumating na rin ang apat, nagkanya-kanya na silang gagawin. Iyong mga boys ang in-charge ngayon at kaming mga babae ay nandito sa sofa nila Bella at naghahanap ng panonoorin na movie sa online. “Parating na ba ang inorder ko, Esteban?” Narinig ko ang boses ni Kori nang magtanong siya kay Esteban. “25 minutes daw! Parating na iyon!” malakas na sagot ni Esteban. Akala mo ang lalayo nila, ano? Ak