“Woooh! Basag iyong Nathalie! Kita mo iyong face niya, Myra! Parang nakakita ng multo dahil sa sinabi ni Fran! Hindi makapaniwala si gaga!” natatawang sabi ni Shanel habang naglalakad na kaming tatlo palayo roon. “Deserve niya masabihan na gano'n,” nakangising sabi ni Myra. Tumatawa pa rin si Shanel at mahina niyang pinalo si Myra. “Sinabi mo pa! Grabe, hindi maipinta iyong mukha niya, ano? Para siyang nakakita ng multo talaga!” Patuloy pa rin siyang tumatawa at nakakahiya na dahil napapatingin na sa amin ang ibang tao. “Hey, low down your voice, Shanel. Nakatingin na ang ibang tao sa atin,” suway ko sa kanya. Palihim kong tinuro ang mga tao sa paligid namin, nakatingin pa rin ang iilan sa amin. “Oopps, sorry! Masyadong lang akong naging masaya dahil sa pagkakapahiya nu'ng Nathalie n