BUONG sabado ay magkasama kaming dalawa ni daddy Conrad dito sa unit namin, nanood kaming dalawa, nagkuwentuhan at may nangyayari sa aming dalawa kapag gabi — gusto na nga niya akong buntisin. Okay ang sabado naming dalawa nang binuksan ko ang topic tungkol kay Cashel. Nu'ng una ay ayaw niya akong payagan na kausapin si Cashel pero pinilit ko siya. Nag-usap kami nang masinsinan na dalawa kung bakit need kong kausapin si Cashel, mabuti na lamang ay pumayag din siya. Gusto ko kasing kausapin si Cashel. Gusto kong maliwanagan na rin sa feelings ko about sa kanya and about sa sinabi niya sa akin tungkol kay daddy Conrad. Gusto ko rin malaman kung bakit kinancel niya ang engagement nila ni Nathalie. Kaya heto kaming dalawa ay papunta sa tagpuan namin sa isang Cafe shop. Kasama ko si daddy C