ISANG araw na ang nakakalipas nang magkulong ako rito sa k'warto ko. Ni-lock ko ang pinto and nilagyan ko pa roon ang solong sofa ko sa tapat ng pinto ko roon, para hindi talaga niya mabuksan talaga. Gusto kong sabihin na niya sa akin at sikreto niya pero ayoko siyang pilitin kaya habang tinatago pa niya ay magiging ganito kaming dalawa. Hinahatiran naman niya ako ng food at nilalagay niya iyon sa harap ng pinto ko. Katulad na lamang ngayon ay nakarinig na ulit ako nang katok mula sa labas ng pinto ko. “My tulips, here's your food! Please, pwede na akong magsalita about sa tanong mo,” narinig kong sabi niya sa labas. Mapait akong napangiti dahil sa sinabi niya. “No, daddy Conrad, alam kong ayaw mo pa. Kilala na kita and alam ko ang boses mong ganyan. If ready na ready ka na to talk to