ILANG buwan na nang mag-trabaho ako bilang teacher sa Xavier School. Simula nang magturo ako sa Xavier School ay hatid-sundo ako ni daddy Conrad. Naging alert siya dahil sa ginagawa ni Cashel sa akin. Pero, sinabi ko na sa kanya na hindi na nagpaparamdam si Cashel sa akin pero I lied, dahil until now ay nakakatanggap pa rin ako mula sa kanya. Sa ilang buwan na iyon ay patuloy ang pagka-receive ko ng text message and chat sa kanya. Ginawa ko ang sinabi ni daddy Conrad na huwag siyang pansinin at blinock ko na rin lahat ng mga messages and chats niya sa akin, pero gumagawa siya ng mga dummy accounts para ma-reach out lamang niya ako. Katulad na lamang ngayon na habang naghihintay ako ng result sa LET exam ay nakatanggap na naman ako ng chats mula sa kanya. Cashel Ty: We need to talk, Fr