ILANG araw ang lumipas at heto na nga ang bisperas ng bagong taon. Naghihintay na kaming lahat dito sa living room at nanonood ng New Year counts down. Alas-diyes na rin ng gabi at tapos na lahat ng nilutong pagkain nila mommy. Nandito na rin ang mga iyon sa living room kung saan kami nagprepare katulad nu'ng Christmas. “Matatapos ang taon na ikaw ang kasama ko, my tulips! Sana sa susunod pang taon ay ikaw pa rin ang kasama ko,” bulong niya sa akin at hinalikan ang aking sintido. Napangiting tumingin ako sa kanya. Naalala ko na naman ang sinabi ni Cashel sa akin. Bakit hindi ko tanungin si daddy Conrad kung saan siya pumunta nu'ng nawala siya ng ilang araw kasama si Kori at anong trabaho niya nu'ng bago kami nagkakilala. Gusto kong itanong sa kanya pero baka isipin niya ay wala akong t