[Third Person's POV] "Are you happy now b*tch? " Parang gustong sapakin ni Mandy si Sanya dahil sa itinawag sa kaniya nito ngunit pinigilan niya ang kaniyang sarili. "Ano ba kasing problema mo sa akin ha Sanya? " "Fvck! Hindi lang pala makapal ang mukha mo manhid ka pa, sabagay sa sobra nga namang kapal mo wala ka ng nararamdaman. " Masamang tingin ang ipinukol niya dito, matagal na siyang nagtitimpi sa babaeng ito ginagawa niya iyon dahil sa malaking respeto niya sa kaniyang Tito Sandro gusto niyang isipin nito na nagkakasundo sila ni Sanya ngunit talagang napakasama ng ugali ng babaeng iyon. "Pwede bang tigilan mo na ako, utang na loob. " "No! Hangga't hindi mo nilalayuan si Dylan, I will make your life a living hell. " "Mahal ko siya at hinding-hindi ko siya iiwan. " Na