[Mandy's POV] Habang hinihintay ko ang pagdating ni Dylan ay abot-abot ang aking kaba. I have decided and there's no turning back. "Kanina ka pa ba? I'm so sorry I'm in the middle of an important meeting when you called. " Napaangat ang aking ulo para tingnan ang nagsalita, naging triple na ang kabog ng aking puso ngayong nasa harapan ko na siya, parang biglang umurong ang dila ko at hindi ako makapagsalita. "Are you okay? " Nag aalalang tanong niya, humatak pa muna ito ng isang upuan at saka pumuwesto ng upo sa tabi ko akmang hahawakan niya ang kamay ko na nakapatong sa lamesa ngunit mabilis ko iyong iniiwas. "Let's call it quit Dylan. " Napakahirap para sa akin na bitiwan ang mga salitang iyon. Nangunot ng husto ang noo niya waring hindi makapaniwala sa sinabi ko. "What di